Malamig ang simoy ng hangin, at ang mga ilaw sa plaza ay nagniningning sa pagdiriwang ng pasko. Habang naglalakad ako ay may mga taong nakangiti at bumabati sa akin habang nakakasalubong ko sila. Masasaya ang mga tao, at ang mga bata'y naglalaro sa damuhan. Bigla akong napatigil sa aking paglalakad dahil may nakita ako na hindi ko inaasahang makita. Siya ang babaeng nagpatibok ng aking puso, nakatayo s'ya sa tabi ng puno, at nakangiting napatingin s'ya sa akin, kaya pumunta ako sa kanya. Habang papalapit ako sa kanya ay tila nawawala ang mga ingay sa paligid at ito'y napalitan ng isa sa mga paborito kong kanta. Ang napansin ko kaagad nung lumapit s'ya sa akin ay ang kanyang nagniningning na mga mata na nakatitig sa akin, at kanyang ngiti na parang rosas na nag-aakit ng isang paruparo. Nang yayakapin ko na s'ya ay may biglang umugong na tunog, nang titignan ko ulit s'ya ay nawala s'ya na parang bula at kasabay din nun ang pagkawala ng mga ilaw, mga tao at ang buong plaza. Umugong ulit ang tunog na parang busina ng barko. Nagising ako.
Panaginip lang pala iyon. Tumayo na lang ako sa aking inuupuan at tumingin sa labas para makita kung nasa dagat pa ang barko. Pagkalabas ko ay nakita ko na nakadaong na pala ang barkong aking sinasakyan. Kinuha ko ang aking bagahe at bumaba na ako dahil ako na lang ang natitirang pasahero sa barko. Nang makauwi na ako ay kaagad akong humiga at nakatulog muli. Makalipas ng ilang araw napagdesisyunan ko na puntahan ko sila sa kanilang bahay. Ngunit nang makarating ako sa kanila ay wala sila dun. Dumeretso na lang ako sa may bagong mall at dun nalang nagpalipas-oras.
Kaunti lang ang mga tao nung una sa mall. Ngunit nang bumalik kami nung kapaskohan ay biglang dumami ang mga ito, para bang mga langgam na may pinagkakauluhan na pagkain. Sumakay ang aking dalwang nakababatang kapatid sa isang maliit na ferris wheel dun sa maylikuran ng mall. Habang pinapanood ko sila ay nakita ko ang isa sa mga kaklase ko nung high school. Kasama din niya ang kanyang kapatid at ang kanyang mga magulang. Nagkaroon ako ng chance na maikwento ko sa kanya ang mga nangyari sa aking ngayong college. At nang umakyat na kami sa taas ng mall ay may mga nakita din kaming mga kakilala namin nung high school. Nagkakwentuhan kami at naglakad sa palibot ng mall. Nang kami na lang dalawa ang natira ay tinanong ko sa kanya kung nasaan na ung babaeng nagpatibok sa aking puso ay sinabi nya sa akin na hindi nya alam. Sabi nya ay maghanap na lang ako ng iba, kasi baka meron na daw iba iyon. Hindi ako naniwala nun kasi ayaw ko pang maniwala, kaya iniba ko na lang ang usapan. Inaasahan ko n asana Makita naming sya sa mall na iyon ngunit hindi naman sya dumating. Ang sabi ng iba sa maynila daw sya nagpasko, kaya hindi ko na sya pinuntahan sa bahay nila.
Martes, Enero 3, 2012
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)